"WHAT do you mean na kasalanan mo kung bakit kumalat ang virus?" tanong ni Jasmin kay Vhon. Mabuti naman, at may nagsalita na sa kanila.
Nasa sala pa rin kaming lahat. Ganoon pa rin ang posisyon namin. Naging seryoso rin ang mga aura nila nang marinig ang sinabi kanina ni Vhon...